Bakit ba sa paglipas ng panahon
Habang ang oras ay mayroong pagkakataon
Tila ba ang buhay’y labis na nababaon,
Kawalan ng pag-asa sa bawat araw, buwan at taon
Na parang punongkahoy na nauubusan ng dahon
Parang isang bangkang papel na nilalamon ng alon

Pansinin natin ang mga tao sa ngayon
Mga kabataang malungkot kapag wala o kulang ang baon
Nagdarabog, sumasagot kapag si nanay o tatay ay nangsasabon
Parang isang asong lobong mabangis na umaalulong
Mga kabataang malungkot 'pag wala sa kamay ang cellphone
Puro mensahe ng barkda, at ng kaibigang kadalasa’y jejemon

May mga taong inuubos at sinasayang ang pagkakataon
Magsaya, maglaro, makipaghuntahan hanggang sa maghapon
Lumabas tayo sa lansangan maging sa mga nayon
Pulos nakatungong ulo ang makikita, hinahanap ay Pokemon
Nakakalungkot,sa kabila nito di man lang hinanap ang Panginoon

Huwag nating hintaying dumating ang pagkabaon
Parang delubyo, unos, kaparusahang dinanas ni Paraon
Ligaya ang dulot sa una, hapis ang sinapit di naglaon
Bakit ba si Daniel, kahit sa yungib na puno ng leon
Laging tumatawag sa makapangyarihang Panginoon
Kaibigan gumising ka, manalangin at muling bumangon