“Buhay at Kabutihan”
Ni Mark Kaven Lazaro
I
Narinig mo na ba ang
sabi sabi ng nakararami
Na ang mabait ay
maagang nauwi
Doon sa langit
kapiling ng ating Dyos
Pa’no ang iba sa
kabutiha’y kapos
Maraming tao
nagsasabi sa atin
At ito ay agad kong
nabigyang pansin
Katagang sa aking
isipa’y tumimo
Matagal mamatay ang
masamang damo
Saan ka lulugar sa dilim o liwanag
Tila iba ang kanilang
paliwanag
Ito’y nasaad, banal
na kasulatan
Buhay’y biyaya sa
taong nagtitwala
Marahil hindi lamang
nila nalalaman
Buhay man kahulugan
ng kabutihan
Gumawa ng mabuti
aking kapatid
Ating Dyos laan ay
buhay na walang patid
[This is my first
Tagalog poem in this blog]
[God bless us all
brethren]
No comments:
Post a Comment